August 22, 2004

Madaling araw at walang magawa...

Hay naku. Mula't mula pa nung ako ay unang natutong mage-mail noong 1999, ang FORWARDED MESSAGE na ang pinakaayaw na ayaw kong natatanggap o nakikita. Kay rami namang pwedeng pag-usapan, bakit nahuhumaling pa sa forwarded messages? Pati sa tinginingining na text, may nagfo-forward pa rin. Arrrrgggghhh!!! Wala ba kayong maisip na sa rili niyong sasabihin? Lagi na lang bang mapupuno ang Bulletin Board ng Friendster ng mga walang ka-kwenta kwentang questionnaire na pinag-uubusan ng oras na parang nagsasagot ng isang slum book na napaka-highschoolic...NNNNNNYYYYAAAAA!!! PWEDE BANG WAG NIYONG PUNUIN ANG INBOX KO NG FORWARDED MESSAGES????!!! Wala ba kayong mapagsayangan ng walang kwenta niyong oras kundi ang magsagot ng isang chain letter na masyadong pa-cute???!!! Magsulat na lang kayo sa sarili niyong blog tulad ko. Mas masaya pa. Grrrrr!!!! Tinginingining na forwarded message yan!!!

***

Natapos ko yung B.S. Accountancy qualifying exam at tawa ako nang tawa. Ang tantiya kong papasa?

Isa...dalawa siguro.

Ngayon, baka sabihin niyo naman napakalupit ko. Hindi naman. Makatwiran naman yung quali, pero ganito kasi ang pilosopiya ko pagdating sa pagrerecruit ng dagdag na B.S. Accountancy student. Gusto ng FEU na tumaas ang performance sa CPA Board exam. So kung magpapasok tayo ng isang bagong recruit na hindi naman nakapasa na sa first quali, siguraduhin na natin na yung mapipili ay isang malakas na candidate na papasa sa baord exam. Ewan ko. Agree ba kayo dun? Ayaw rin naman nating may maparatangan na naman na hindi karapat-dapat na pumasa, di ba? Harharhar...

Pero madali lang naman yung nagawa kong exam. Basta hindi kabisote ang treatment sa accounting at naisapuso talaga, kayang kaya.

***

Napanood ko kanina yung Zatoichi, isang Japanese film about a blind ronin na naglilibot bilang isang masseur. Masaya at madugo. Panoorin niyo!!!

***

Kahapon naman, nakabili ako ng second album ng Sugarfree, ang title ay Dramachine. Bakit kaya laging malungkot ang kanta nila? May girlfriend kaya si Ebe? OK naman yung album, pero hindi napantayan ang kanilang unang album na Sa Wakas. Yung Side 2 kasi medyo di maganda. Pero ok pa rin, lalo na yung unang dalawang kanta sa Side 1.

Tang-ina. Side 1. Side 2. Halatang cassette tape pa rin ang pinapakinggan ko.

***

Nung Thursday, nagulat ako nung kumain kami ni Ria sa Wendy's Tandang Sora. Yung bumati kasi sa akin sa counter, tinawag akong Sir Paeng. E studyante ko pala ngayong sem yung tumatao sa counter!!! Ewan ko ba, natutuwa kasi ako kapag nakakakita ng working student. For some reason, mas nakaka-inspire magturo.

Siguro kakain uli kami dun. Tutal, masarap naman ang french fries ng Wendy's. May salad pa.

***

Nag-emcee ako nung isang araw sa isang lecture na dineliver ni Mr. Cecilio K. Pedro, yung may-ari ng Lamoiyan Corporation na gumagawa ng Hapee Toothpaste. Isa sa mga bagay na sinabi niya ay dapat pinagpaplanuhan ang buhay. At isang assignment niya sa aming mga nakinig sa kanya, dapat pagkauwi namin, isulat namin ang aming mga plano for the next five years. Napaisip tuloy ako at ano ang lumabas na nakikita kong mangyayari sa akin after five years?

- Kasal na kami ni lalabs nun. :) (hay salamat!)
- Wala na ako sa FEU. Nasa Kalayaan College na ako at nagpa-part time sa UP. At anong tinuturo? See next entry.
- Natapos ko na ang aking M.A. Sociology. Sa wakas ay nakalipat na rin ako ng field at wala na ako sa field ng business.
- Medyo wala lang pala sa field ng business. Kasi meron akong konting raket na pa-resource person kuno para sa isang consulting group.
- Active ako sa isang NGO. May kinalaman sa Indigenous People o kaya sa Education.
- Nakatira kami ni lalabs sa lugar ng mga Scout sa Quezon City.
- Madalas kami tumambay sa Conspiracy. O kaya sa My Bros. Moustache.
- May videoke sa bahay.
- Lalaki na Ang Aking Tambayan. At meron nang message board.
- Di pa rin aasenso ang celfone ko. Tine-text niyo pa rin ako, pero mas preferred ko ang e-mail. :)

Yun pa lang ang aking naiisip. Kaya kanina, bumili ako ng librong Sociology, ni Macionis. Time to take the first step kung talagang seryoso ako. Harharhar...:)

11 comments:

Anonymous said...

wow! sir ganda naman ng plan nyo. sociology?!? ok din yun sir. may tanong lang po ako... u do not want 2 have something to do with business... how come u took up bs accountacy? pinilit po ba kau ng nanay nyo na yan ang kunin nyo? good luck po! sana ma2pad nyo po lahat ng plano nyo.

Anonymous said...

sna lang mrami mkapasa ng quali pra nman dumami na ung BSA... medyo mlungkot kc eh!!!

Cynthia said...

Hello po. Natutuwa lang ako sa sinulat ninyo. Professor kayo ng Accounting tapos may ibang field din kayong gusto at pinagkakaabalahan. Cool na prof! :) Graduate din po ako ng Accountancy pero sa may Taft Avenue. Proud ako na pumasa ako ng first take ng quali namin noon. Madugo rin po kasi silang magpa-exam. Agree ako sa inyo na dapat sa school pa lang, maganda na ang training at nasala na. Para pagdating sa board exam, ayos ang performance. Kung baga, quality control. :)

Isa pala ako sa mga guilty na sumasagot ng kung anu-anong survey sa Friendster. Hehehe! Pampaubos oras bukod sa blog at pampa-relax. :)

Good luck po sa inyo!

Cynthia said...
This comment has been removed by a blog administrator.
inah said...

agree ako sir s mga puro forwarded messages n lng ung mga ginagawa, kakatamad kaya basahin un, tpos ung bulletin n pinopost eh minsan nonsense nman, nagpapakaastig ah hindi nman!! nga pla sir dba ganda nung "sinta" ng dramachine ng sugarfree, pati mtv ganda rin....

Paeng said...

"u do not want 2 have something to do with business... how come u took up bs accountacy?"

siguro dahil hindi ko pa alam ang gusto ko nun. hindi naman ako pinilit ng nanay ko kasi di naman siya nakikialam sa kung anong gusto naming gawin. (lav u, nay!) nangyari lang siguro na pareho kasing accounting grads ang mga magulang ko kaya parang ginanahan ako.

narealize ko lang na iba gusto ko gawin nung 3rd year na ako. :) kaya nga nagtuturo na lang ako ngayon. ayaw kom kasing magpractice...

"Graduate din po ako ng Accountancy pero sa may Taft Avenue."

sa DLSU ka? :p

"nga pla sir dba ganda nung "sinta" ng dramachine ng sugarfree, pati mtv ganda rin...."

maganda nga siya, pero paborito ko pa rin sa dramachine yung "Prom". sa lahat naman ng kanta nila, "Telepono" pa rin yung da best. :)

Anonymous said...

RECOMMENDED MUSIC:

Try mo pakinggan yung album Orange 'n' Lemons "Love in the Land of Rubber SHoes and Dirty Ice Cream". Pinoy band sila from Bulacan and new wave ang sounds nila.

Rox

Paeng said...

New wave na galing Bulacan?

sana meron ding punto. hahaha!!!

inah said...

ganda rin nung telepono, pero sir ganda rin fade away...favorite k un eh....hehehe

Leah said...

hello po, si leah po ito.. yung tinutukoy ko po eh yung mga subjects na accounting.. kasi po nag reresearch po ako kung epektibo ba yung pagtuturo ng accounting sa skul namin.. kelangan ko po kasi palawakin yung thesis ko.. eto po yung mga tanong ko;

1. Sa tingin nyo po, epektibo ba ang accounting program sa Pilipinas?
2. Bilang isang instructor, CPA at tgagawa ng exam ng mga accounting grads., sa tingin nyo po sapat na ba ang nalalaman ng mga estudyante tungkol sa Accounting?
3. Meron po ba kayong suggestion o sariling opinyon para mas mapabuti ang accounting program sa pilipnas?
4. Ano po ba kalagayan ng Accountacy sa Pinas..
5. ano po last name nyo and saan po kayo nagtuturo.. kelangan ko din po kasi yun sa thesis ko eh..
6. kung meron po, magbigay po ng words of wisdom tungkol sa accounting.. pki-explain na din po

kahit ano po pwede nyo sabhin..
thank you so much po sa pagrereply...
ako nga po pla si leah from Asia Pacific College
nag send na din po ako ng ganto sa e-mail nyo po.. maraming maraaming thank you po

Anonymous said...

Sir im waiting for your respond po ha about dun sa thesis ko sa accounting.. i need it so much po.. thanks.. leah