August 26, 2004

Ako at Ang Eraserheads

Kanina, pinatugtog ko ang Disc 2 ng Eraserheads: Anthology. Bad trip, tumigil habang nasa kalagitnaan ng kantang "Maselang Bahaghari". Mukhang may tama na yung CD ko. Ilang sandali lang, tuluyan nang tumigil yung CD at wala na akong mapatugtog na kahit anong track. Bad trip talaga. Nasa nostalgic episode pa naman ako.

----------

Ako ay kasama sa henerasyong lumaki sa awitin ng Eraserheads. Kung di ako nagkakamali, 3rd year high school ako nang i-release ang Ultraelectromagneticpop sa market. Sa totoo lang, di ko agad pinansin ang mga kanta nila. Nung panahon kasing iyon, medyo bilib ako sa mga foreign acts lang - Queen, Metallica, Bon Jovi, Eraserheads, Guns and Roses, Extreme, Poison, Pearl Jam, etc. Ang "cheap" pa naman ng dating ng recording ng mga naunang kanta ng E-heads, walang walang panapat sa technically proficient na musika ng mga foreign bands.

Tapos, for some reason, binili ko yung ikalawa nilang album - Circus. Wala lang, na-curious lang ako kung bakit parang bentang benta sila sa masa. Nung unang pakinig ko, may konting snobbish attitude. Kesyo hindi naman magaling mag-gitara sina Ely at Marcus. Kesyo masama ang boses ni Ely. Kesyo magaling nga sina Raymund at Buddy pero wala pa rin silang panama sa mga pinakamagagaling na bassists at drummers sa mundo.

Pero hayup. Na-hook ako. Hindi maalis ang mga kanta nila sa aking utak.

Tinamaan na ako ng Eraserheads magic.

Nun lang ako nakarinig ng mga kantang kumonek talaga sa akin. Hindi miminsang inisip ko na ang mga kanta nila ay pawang mga kanta ko rin. Sila ang nagmulat sa akin na hindi kailangang maging pinakamabilis mag-gitara o pinakamataas ang boses o pinakamalakas at komplikadong pumalo ng drums para maging magaling na banda. Ang galing ng isang banda ay nasa kanilang mga kanta at nasa pagdadala na rin ng kanilang mga kanta. At kakaibang mangusap ang mga kanta ng Eraserheads. Nakuha nila ang boses ng aking henerasyon at ito ay naipahayag nila sa mga awiting masarap sabayan at kantahin.

Exagerration man pakinggan, pero ang Eraserheads siguro ang nag-spark na nationalism ko. Totoo!!! Yun ang kauna-unahang beses na nabilib ako sa isang grupong Pinoy. Sila ang nagmulat sa aking isipan na maraming magagaling na Pinoy artistic talents. Pagakatpos ko silang mapakinggan, nun lang ako nakinig ng musika ng ibang bandang Pinoy tulad ng The Youth, Color-It-Red, Wolfgang, Yano at Rizal Underground.

Magmula nun, sinubaybayan ko na ang Eraserheads. Hindi naman ako naging panatiko, pero naalala ko na lagi ko silang inaabangan na lumabas sa Music Bureau sa Channel 5 at sa Band Stand sa Channel 13 (Band Stand ng ba yun? Sa Channel 7 yata ang Band Stand!). Pati sa Channel 29, inaabangan ko rin sila. Napanood ko sila sa kanilang concert sa aking high school alma mater - sa Paco Catholic School. Sila ang sumalubong sa aking pagpasok sa UP nang tumugtog sila sa Freshman orientation at sa Freshman concert. Mga kanta rin nila ang ginamit naming pangharana nung samahan namin ang isang kabarkada na manligaw dun sa may UP Bliss. At siyempre, di ko malilimutan yung nakipagsiksikan ako sa Sunken Garden nung nag-album launch ang Cutterpillow. Ako yata ang no. 318 na nagkaroon ng Cutterpillow sa Pilipinas!!!

(Naalala ko tuloy, nung album launch ng Cutterpillow, may isang grupo dun ng babae na memoryado na yung lyrics ng mga kanta sa Cutterpillow kahit na nun pa lang lumabas yung album. Kakaiba, panatiko talaga. Kahit yung rap ni FrancisM sa "Superproxy" memoryado!!!)

----------

Ngayon, wala nang Eraserheads. Nabubuhay na lang sila sa mga CDs at cassette tapes sa bahay. Minsan, naiisip ko na bad trip, kinailangan pa kasi nilang maghiwahiwalay. Pero mabuti na rin yun kasi sa kanilang huling tatlong album (Sticker Happy, Natin99, at Carbon Stereoxide), naramdaman ko na na nakukulong na sila sa pagiging Eraserheads. Sabi ng iba, pumangit raw mga kanta nila. Hindi totoo yan. Nag-iba lang ang kanilang pananaw sa buhay.

Sa tingin ko, yung fans na rin ng Eraserheads ang may kasalanan kung bakit nawala yung grupo. Pinilit kasi silang ikahon at ginawang "Pop Machine" na laging inaasahan na makakagawa ng hit na katulad ng mga kanta na nagawa na nila dati. Para bang kalahating dekada na ang lumipas, inaasahan pa rin ng mga fans na kakanta ng "Toyang" si Ely. Di nila alam, ibang klaseng banda kasi ang Eraserheads. Tumatanda sila, at sumasabay sa pagtanda nila ang pagbabago ng kanilang mga kanta. At nakakalungkot kasi hindi sila sinabayan ng kanilang mga "fans" kuno. Naalala ko, ikalawang album pa lang, may nagbansag na sa kanilang sellout kasi hindi na raw sila katunog ng E-heads sa Ultraelectromagneticpop. Hay naku. Kung gusto niyo ng bandang di tumatanda at walang growth at maturity, makinig na lang kasi ng Parokya ni Edgar.

Naalala ko na mangiyak-ngiyak ako nung una kong narinig ang kantang "Para Sa Masa" sa Sticker Happy album. Nung narinig ko yun, alam kong tapos na. Wala nang Eraserheads. Naiipit na sila sa gusto nilang gawin at sa gusto ng kanilang fans na gawin nila. Sabi nga ni Ely, "Mapapatawad mo ba ako kung hindi ko sinunod ang gusto mo?" Ganyan kasi ang mga rabid fans, nakakulong sila sa nakaraan na hindi iniisip kung anong gustong mangyari ng kanilang kinagigiliwan na grupo. "Pinilit kong iahon ka, ngunit ayaw mo namang sumama". Sa huli, ang Eraserheads na rin ang sumuko at tumigil sa pagiging Eraserheads: "Huwag mong hayaang ganito, bigyan ang sarili ng respeto..."

Nakakalungkot. Kung "sumama" kaya tayo, saan kaya nila tayo dinala?

----------

Ilang taon na ring nawala sa utak ko ang Eraserheads. Marami na rin kasing mga ibang banda diyan tulad ng Sugarfree at River Maya (pagkatapos umalis ni Bamboo) na sinusubaybayan ko. Hindi ko na sinundan sina Ely at Raymund sa kanilang mga individual projects (Mongols, Sandwich, etc.). Pero may isang araw nung Pebrero noong UP Fair na nagbalik ang alaala ng mga masasayang araw ng Eraserheads. At ang may kasalanan? Ang bandang Brown Man's Revival.

Masaya kaming nagre-reggae nun. Kasama ko ang aking lalabs at paindak indak kami sa Sunken Garden. Tapos, biglang bumanat ang Brown Man's Revival ng isang pamilyar na kanta na ginawa nilang reggae version - ang kantang "Maling Akala" from Ultraelectromagneticpop. Siyet!!! Maya-maya lang, hindi lang ako umiindak. Kumakanta na rin ako. At hindi lang ako. Halos lahat ng nasa Sunken Garden noon, sumabay sa pagkanta. Bihira mo nang mapapanood ang ganun dahil kadalasan, may mga "groupies" na lang ang mga banda. Eto, kakaiba. Lahat talaga kumanta. Ang saya!!!

At sa isang maikling sandali isang gabi noong Pebrero, nabuhay muli ang diwa ng Eraserheads sa UP Sunken Garden.

----------

Mga ilang buwan nang nakakaraan, ni-release ng BMG ang Eraserheads Anthology, isang 2-CD set na greatest hits kuno ng Eraserheads. Kahit na kumpleto ako (halos) ng mga album ng E-heads, bumili pa rin ako. Maganda kasi ang cover art na ginawa ni Arnold Arre. At ngayon lang ako magkakaroon ng CD ng E-heads kasi puro cassette tape lang ang meron ako. Sa wakas ay mapapakinggan ko rin nang CD quality ang kanilang mga kanta.

OK naman ang Anthology. Kung pag-uusapan ang mga pinakasikat na kanta ng E-Headst, nandito naman talaga ang kanilang mga sumikat na kanta. Yun nga lang, may mga paborito ako na wala dito: "Shake Your Head" at "Maling Akala" ng Ultraelectromagneticpop, "Hey Jay", "Wishing Wells" at "Insomnia" ng Circus, "Waiting for the Bus" at "Fine Time" ng CutterPillow, at "Balikbayan Box" ng Sticker Happy. Kungsabagay, wala naman kasing patapon na kanta ang Eraserheads. Sana nga sinama nila sa Anthology pati yung patok na patok na Punk Zappa filler.

Sira na yung Disc Two ko ng Anthology. Sayang, ginagawa ko pa naman itong sing-along. Sige na nga, hahalungkatin ko na uli yung mga individual cassette tapes ko ng E-heads. Magmu-music trip muna ako...

----------

Minsan talaga may dumarating na artist na naka-capture ang spirit ng isang generation. Sila yung mga HINDI one-hit wonder na nakakabuo ng napakaraming kanta na nagre-represent ng kanilang panahon. Nangyari na yan dati sa Apo Hiking Society. Sa aking panahon naman, ang Eraserheads. Sino naman kaya ang magiging Eraserheads ng susunod na henerasyon? Kelan kaya siya/sila darating?

(Baka raw dumating na. Por dios, por santo, sino kaya yun? Ang Sexbomb Girls?)

11 comments:

Anonymous said...

wow!!!my ksama pa pla me sa skul na kaparehas ko ng generation pagdating sa music. hehehe... kya lang hindi ko na masyado nsundan noon ang e-heads... hanggang cutterpillow lang ung nbili ko na album nla... til now pag trip ko nkikinig pa din me ng music nla kya lang mdalang na... ang iba ko pag gusto na band noon ay after image, introvoys, the youth, yano, rivermaya, etc...

nanoy said...

oi, kontrahin ko lang yung sinabi mo sa parokya ha...

nagmature din sila. subukan mong pakinggan yung bigotilyo tsaka yung khangkhungkhernitz, napaka-iba na nung mga kanta sa bigotilyo. oo nga, naglalaro pa rin sila at parang ma-trip lang, pero sumeryoso na. kaya nga di na sila ganun kasikat.

sa tingin ko kasi, lahat naman ng bandang tumatagal, tumatanda. yung fans lang talaga ang hindi.

tignan mo na lang ang rivermaya. yung mga kanta ba nila ngayon katulad pa rin ng dati? hindi na di ba?

dapat kasi, habang tumatanda yung isang banda, ineexpect na niya na magbabago ang mga fans nya. syempre, may mga uusbong na bagong fans dahil nakakasabay dun sa bago nilang tugtog, at may mawawala na maiiwan dun sa luma.

pero ang mahalaga naman kasi dun ay hindi ang fans, kundi ang kagustuhan mong tumugtog.

dahil sa huli, kung fans at fans lang din naman ang susundin mo, hindi isang banda ang tawag sa inyo; kundi jukebox.

isa pa, hindi lang ang tunggalian sa pagitan ng musika nila at ng musikang gusto ng fans ang naging dahilan ng pagbagsak nila, kundi yung mga personal nilang problema.

ang MASKARA ay hindi outcome ng problema nila sa fans. ebidensya na ito na puno na ng problema ang samahan ng eheads, at sila mismo, puno na rin ng problema.

naalala ko yung sinabi ni Raymund dati sa Probe nung tinanong sya kung bakit umalis si Ely: "ilang taon mong kasama pero hindi mo naman asawa, syempre magsasawa yun sa yo."

Paeng said...

quote:
dapat kasi, habang tumatanda yung isang banda, ineexpect na niya na magbabago ang mga fans nya. syempre, may mga uusbong na bagong fans dahil nakakasabay dun sa bago nilang tugtog, at may mawawala na maiiwan dun sa luma.

pero ang mahalaga naman kasi dun ay hindi ang fans, kundi ang kagustuhan mong tumugtog.

----------
sabi ko naman:
sasabihin ko sa iyo kapatid, bilang isang taong ilang beses nang nakatugtog sa harap ng maraming tao, ang nakikinig sa iyo ay napakaimportante. ang musika na tinutugtog mo na dahil sa gusto mo lang at wala kang pakialam sa makikinig sa iyo...napakalaki ng kulang. napakalaking bagay na alam mo na may nakikinig sa iyo at naiintindihan ka...

di mo rin masisisi kasi ang E-heads kung bakit medyo nainis sila sa fans na hindi sumabay sa kanila na medyo humatak sa kanila sa paggawa ng musika na gusto nila. siguro nga dapat inexpect nila na magbabago ang audience nila, pero ang gusto kasi nilang mangyari, mag-mature din yung nakikinig sa kanila. grabe kasi ang na-experience na nun sa E-heads. To the point na nung wala silang napanalunan na award sa NU Rock Awards noong 1998, natuwa pa yung mga tao. di ba masakit yun lalo na't yun din yung mga taong dati gusto yung tinutugtog mo?

at wag naman natin sabihin na "pagbagsak" ng Eraserheads. :p hindi sila bumagsak. naghiwahiwalay lang sila. at dapat lang siguro yun kasi hindi nila matutugtog ang gusto nila hangga't Eraserheads pa rin ang tingin sa kanila.

yung sa Parokya...nagiba nang konti ang tunog, pero hindi nag-iba yung tema. ewan ko lang, pero sa tingin ko, naubusan na lang sila ng "bala" kaya hindi na gaanong nakakatawa yung mga latest nilang album. pero in general, ganun pa rin ang dating ng tugtog nila. iba kasi ang tingin ko sa bandang nagmamature. yun yung mga bandang naririnig mo na yung kabuuang tunog ng isang album ay may marked difference sa nakaraan nilang album. parang Rivermaya, ang laki ng pinag-iiba ng tunog nila as a whole from album to album. ganun din ang E-heads. pati yung Wolfgang.

pag yung paisa-isang kanta lang ang nag-iiba ang dating at hindi yung buo, hindi ko nakikita na pagmamature yun.

kaya nga yung Sugarfree, sa tingin ko hindi naman gaanong nagmature sa second album nila. kasi ganun pa rin yung kabuuang tunog at tema. parang yung Rizal Underground din, di gaanong nag-grow. pati Yano, na pag pinakinggan mo yung pangalawang album, parang katunog pa rin nung una.

inah said...

bilib nga rin me s eraserheads, ang tanda k garde 4 me nung nagkaroon kmi tape ng Ultraelectromagneticpop, pero kinuha b nman ng ate (katulong) uwi lng dw siya province pero balik din, tpos hindi n kmi binalikan kay un cutterpillow n lng ung pinagsawaan kong pakinggan nun, by dat tym grade 5 n me nun, favorite k nga ung "fill her" and "poor man's grave"...hay!!! favorite k dun c buddy, galing niya mag bass, naririnig m talaga, hindi sabog...then 1st yr hs mer nung magkaroon kmi ng isa p, pero nawala n ung lalagayan nun eh basta favorite k naman dun eh spolarium wla lang, tpos un n wla n hindi n kmi nkabili ng mga album ng eheads, ewan k b kung bkit hindi n. pero ngayon may Eraserheads: Anthology n rin me...un nga lng wla ung iba nlng knata. and sayang din kc wla n cla until now nga eh nanghihinayang me...tuwa nga me nung minsan nanood me ng mtv binigyan nila ng tribute ung eraserhears kakatuwa lng. pero sbi ng bro k, ok n rin dw un iba n rw kc eh...

inah said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Paeng said...

sana mapakinggan mo yung album na Natin99. Meron dung magandang kanta na si Buddy ang kumanta. :p

inah said...

talaga! sayang wla me nun eh. kung pahihiramin niyo b me eh, record k n lng!!!! hehehe............

Anonymous said...

ah...grabeh un..ha..i can't belive..i still can't believe how intense the impact of e-heads to me..and i guess to all of us..the only diff is..its too late that i realized this..kainis..kasi im so young pa before, immature and i can't understand things..but now..just now..i can feel that things are begining to unfold..i guess i can now understand them..sayang!..bat ngaun lng..try ko humabol..kahit na hindi ko na sila matanaw..sisikapin ko na lng makita ang kanilang mga yapak..sana..

Anonymous said...

tama ka... chong, memoryado mo ba yung mga pinagsasabi sa punk zappa? -norcolepsy@yahoo.com

Diwa said...

mga tol share ko lng.. WUDS ang gumicng s mkbyang kmalayn ko, ndi E-heADZ.. nauna ko ytang nammorize ung AT NKALIMUATAN NA ANG DIYOS bgo ung multiplicat’n table s grade skul.

BUT as u’ve said, t’was all abwt E-Heads’ MaGiC! Nung una, wlang dating sken eheads-mkamasa kc. Pa-against-da-flow-effect pa kc ak date. But wen I got th chance 2 listen to their MuSic-- wla lng. Ndi k pa maamin n nging nteresado ak s bwat ssunod n linyang cnasbi nung kanta..nampoo.. prang knakausap ak0. Tma b un.. mkarel8 dw ba!

Natripan ko ung Eheads ng wlng effort. Puro hiram kc ung caset tape ko nun..ung ibng kanta nla, khit sang kanto nmn mririnig m. Kya mostly ung mga sikat n cuts s mga album nila ung mejo alm ko.. tulad ng Lift yer head (oo lam ko title nito); Gus2 m baaangg…suma2 s ALAPAAP; khit n wl akong kotse, gusto ko pring ma22tong mg-drive- rebellious ang dting ; ang suicidal n Spolarium-prang nwalan ak ng dhilan pra magpakamatay ang tao;it’s so hrd 2 blieve-philosophical,

at syempre ang Huling El Bimbo. Ktakut-tkot n nostalgia ang inaabot k pg nririnig k to. Naala2 k nung twing inaabangn ko ung music video ni2 s ch 5 bgo mg-6 pm (dko n maala2 ung tv progm n un). Pinakaayoko s lhat ung PARE KO, n sya nmng unang ngbigay-daan s tuluyang pag-ahon ng E-heads mula s musikong underground. Nmmaga tenga ko pag kinkanta to ng tambay smen. Kpal muks nun!!! Hay nkoo.

Mabalik tau sa PINAKAKAPUPURI NIYONG PINOY BAND…The ErAsEr HeAds
O diba, pangalan plang, patok n s takilya. Wlang duda, kahit ako ay pyag isama sa Orig’l Pinoy Rock Music ang E-heads khit sabi ng IBA na tunog beatles din nmn. Baket kanyo? Ang music kse dpat may kaluluwa.. tipong khit ALAWS na ung kumakanta, hindi namamatay at nagbabago ang isensya nito. Wla n nga ang Eheads, pero heto’t pina-aaksayanhan natin ng pnahon. Ganto yata tlga mamahal ng ICON ang Pinoy. Wl cigurong kokontra n kundi dhil s pagi-guest ng Eheads s Eat Bulaga at Sa Lingo Npo Cla, mlamang mrami s mga kumakaskas ng electric guitar ngaun ang hndi nakilala ang mga nnanahimik sa ilalim n The Youth, Yano, Wolfgang, Wuds, Phil Viol8rs, Dahong Palay, the jerks atbp.

…Mlamang wlang kilalang rivermya (bagamat nirerespeto ko po si Rico Blanco), Parokya, SlapsuckS!, sugarfree…at cno-cno na nga bang bandidong, este bandang umaangkin ng sunken garden ngaun!?

Anonymous said...

Ene, sana lang hindi mo nlang isinama yung slapshock kung babaguhin mo rin lang yung name ng band nila..tama nga talaga lahat nung sinabi mo tungkol sa eheads, aminado naman ako na one of the eheads addict din ako, and kahit grade school palang ako nun, talagang iniipon ko pa yung baon ko makumpleto ko lang lahat g albums nila.. pero iba ang kind ng music na ino-offer ng slapshock sa eheads. Ibang-iba naman ang klase ng pagsulat ni jamir ng kanta sa pagsulat ni ely, pati na rin ang way ng pagkanta nila..gusto ko rin kasi ang slapshock eh! actually nga dati ayoko nung ganon ka-rock pero nung minsang nagpunta ako sa concert nila for their album, don ko sila nasimulan magustuhan(lalo na syempre yung drummer nilang si CHI EVORA)
Lahat talaga ng sinabi mo ok, pero yung pagsabi mong slapsucks nga lang ang medyo hindi ko nagustuhan..