August 29, 2004

Off-the-Air?

Matutulog na sana ako kanina pero bigla kong naisipan na magbukas ng TV. Natiyempuhan ko na ang palabas ay On-Air, isa sa mga paborito kong local shows. Ayus, matagal ko na ring hindi napanood si JM at ang malaki niyang ilong. Sabado na pala sila naka-skedyul.

Pero ano ito?

Pinalabas nila ang The Best of On-Air. Bakit sila nagpapalabas ng Best of, e hindi naman nila anniversary at hindi naman New Year? Nagtapos ang show na ang feature nila ay si Maverick at si Ariel at parang pinapakita nila na proud na proud sila sa naging produkto nila. Tapos...tapos...sabi ni JM..."We'll see you again...soon."

Tapos malungkot ang tugtog sa closing credits.

Wala na bang On-Air? Lilipat na ba sila ng channel? Ano nang mangyayari?

Bakit ang mga magagandang shows na local ay hindi pino-promote, nililipat-lipat ng time slot tapos kina-cancel?

Hindi ko na ba maririnig ang mga katagang "Lufettt!!!", "'steeeegggg!!!" at "Steady!"?

3 comments:

inah said...

oo nga eh, medyo napanood s din last sat kya lng hindi masaydo late n kc me dumating sa bahay.... wla nman clang cnasbi n wla n cla dba, bsta ang alam k lng eh lagi clng palipat-lipat ng time slot kya un hindi k nrin napapanood....

Anonymous said...

i'm rachelle fan rn me ng on-air nsa chanel.13 n sya 7-8 1 hour n sya kso iba n format ng show pero ung ibng portion ng show may ntira nman khit paano. pinapanood ko ang on-air dahil crush ko c jm at ito lng ang show n corniest, stedy, at lufet! dba?

jhay said...

sir... may On-Air na ulit... sa IBC 13 na sila ngayon... every wednesday 7-8 pm...