March 10, 2006

God's plan

Ilang araw na ring naglalaro sa utak ko yung sinabi ni GMA na plano daw ng Diyos na siya ang maging pinuno ng ating bansa. Kaya hindi raw natin siya malalabanan dahil para na tayong lumalaban against God's will.

For the sake of argument, sundan natin ang pag-iisip ni GMA. Hay naku...

Plano rin ba ng Diyos na mamuno si Hitler sa Germany? At sa kasong iyon, pinlano rin ba ng Diyos na si Hitler ay balang araw tatalunin ng mga Allied Forces?

Paano naman yung pagkakaroon natin ng diktador na si Marcos, na namuno ng pagkatagal-tagal sa ating bansa, plano rin ba ng Diyos yun? E di plano rin ng Diyos na magkaroon ng People Power upang matanggal siya sa kapangyarihan?

Kung susundan natin ang pag-iisip ni GMA, hindi kaya parte rin ng plano ng Diyos na may mga taong tulad namin na lalaban sa kanya?

Hindi ako fatalistic na tao. Hindi ako naniniwala sa kapalaran. Hindi ako naniniwala sa Divine Intervention in a sense na sinusulat ng Diyos ang mga pangyayari dahil parang tinanggal naman sa atin ang kakayahang makapagdesisyon para sa ating sarili at tumuklas ng tama at mali. Kung meron mang intervention na ginagawa ang Diyos, ito ay para makapagbukas ng ating mga isipan - enlightenment ba - pero hindi niya sinasadya na tabunan tayo ng landslide, tangayin tayo ng flash flood, dagsain ng stampede at pamunuan ng mandarayang presidente. Ang lahat ng ito, bunga ng mga kagagawan natin. At nasa atin rin ang kapangyarihan at ang obligasyon na itama ang mga mali na nagawa natin at ng ating lipunan.

Hindi ba yun ang plano ng Diyos?

3 comments:

den said...

tama ka jan.. hindi rin kasi ako naniniwala na lahat ng mga nangyayari sa atin ay "PLANO ng Diyos"....

Arbet said...

How can we reconcile God's plan with free will?

Gloria Arroyo should brush up on theology.

Anonymous said...

hindi ko kilala c PGMA personally, at diko rin kilala kung sinong diyos ung tinukoy niya, at hindi ko siya mahuhusgasan sa puntong yan,

alam ko na kumikilos ang Diyos na pinaniniwalaan ko sa sitwasyon ng bANsa. At hndi ko kinukwesyon kung nasan siya sa panahong ganito.

Kaya nga meron TAYOng freewill..
Kung saan nahuhusgahan ang pagkatao ng isang nilalang base sa mga desisyon niya sa buhay.

kasama si PGMA dun...kung mananatili siyang bingi sa karamihan.

kasama rin tayo dun,,, ang pumili ng paniniwalaan. kung mananatili tayong bulag sa katotohanan.. o mulat nga pero wlng buto pra manindigan.
Ene