March 18, 2006

Black Friday protesters, inaresto!

Ano ang nangyayari sa larawang ito? Choose the best answer:

Dinky Arestado


Si Former DSWD Secretary Dinky Soliman ay inaaresto dahil __________.

a. bawal ang illegal assembly, ayon sa BP 880.

b. bawal magprotesta laban sa "state."

c. bawal magprotesta laban kay GMA. (siya na ba ang state?)

d. bawal magsuot ng T-shirt na may logong "Patalsikin na. NOW NA!" dahil subersibo ang dating.

e. bawal magsuot ng T-shirt na may logong "Patalsikin na. NOW NA!" dahil coño ang dating.

f. bawal magsuot ng itim na t-shirt kapag wala sa lamay.

g. bawal magsuot ng itim na t-shirt kapag wala namang rock concert.

h. bawal magsuot ng itim na t-shirt kasi hindi na cool. Orange na ang cool ngayon.

i. bawal kumain ng karne kapag Biyernes habang Kuwaresma. Nakita raw si Dinky na kumakain ng barbecue sa Aristocrat.

j. bawal magprotesta kapag Biyernes habang Kuwaresma ang mga mahilig mag-rally. Iyon daw dapat ang ayuno nila.

k. bawal ang jologs. My gosh, look at those dangling hikaws!

l. bawal mag-jaywalking. Red light na nang tumawid si Dinky at Enteng.

m. bawal ang mataba kapag hindi ka pulis.

n. bawal mag-flash mob.

ñ. bawal mag-flash mob na sobrang planado, publicized at kino-cover pa ng media. Flash mob pa ba yun?

ng. bawal mag-flash mob na tatlumpung tao lang. Mob pa ba yun?

o. bawal ang korni. Ang korni naman kasi ng kanilang gimik.

p. bawal ang hindi marunong magpalusot. Namamasyal lang sa Roxas Boulevard? C'mon, Dinky, I expected better!

q. bawal ang hindi marunong magpalusot not once, but twice! From Inq7: She added that the black t-shirts with the words “Patalsikin na. Now na” (Oust now) printed on them and worn by her and her companions were not alluding to President Arroyo but to all corrupt government officials. Sabi nga ng TVJ, acheche!

r. bawal magprotesta ang mga taong nakinabang kay GMA dati. ubo! ubo! peace bonds! ubo!

s. bawal magprotesta ang mga taong kasamang nagtulak na maluklok si GMA noong nakaraang eleksyon.

t. bawal magprotesta ang mga taong nagprotesta lang nung uso na ang magprotesta.

u. lumabag sila sa dahilang iniisip pa ng mga awtoridad habang sinusulat ko ito.

v. sumusunod lang daw yung mga pulis sa "nakatataas."

w. sa Maynila, si Atienza ang hari. At ang sabihin ng hari, tama. At ang hari ay chuchuchuchu kay GMA.

x. sa bansang ito, si Arroyo ang "diyos." At ang sabihin ng "diyos," tama. At lahat ng sa tingin ni Arroyo ay mali, BAWAL.

y. sa kombinasyon ng ilan sa mga nasabing dahilan. Please indicate which combination. __________

z. none of the above. Write the correct answer. __________

----------

P.S.

Ibig sabihin ba nito'y bawal ko nang isuot ang t-shirt na President Evil?

president evil

Aarestuhin na rin ba ako kung suot ko ito? Pati ba naman fashion sense, pakikialaman na ni Gloria?

Dinky Soliman photo taken from Inq7.net.

5 comments:

den said...

Di na nakakatuwa yang ginagawa ng gobyerno ngayon....para yatang mas lumalala ang problema eh..nawala nga ang 1017, isa-isa namang inaaresto ang mga pinaghihinalaang kalaban ng gobyerno! ...mukhang na-hypnotise ni GMA ang mga pulis at ibang sundalo pati ang DOJ, lahat ata ng sinasabi eh, sunod-sunuran yang mga "asong" yan, magkano kaya ang pangakong dagdag dahod sa nmga yan, kasi sumigla sila sa panghuhuli ng gusto nilang kasuhan eh, pati ng si G. Honasan, biruin mo Milyon ang nakapatong sa ulo mahuli lang...ano yon phsyco killer? o serial killer na dapat gawin most wanted?

kakalungkot isipin na nagkaroon tayo ng Presidenteng ganyan!

mlq3 said...

oist. tatawid nga kami sana, pero hinarang kami ng media, kaya nung naging red yung light, bumalik sila dinky sa sidewalk at dun sila inaresto.

Paeng said...

^ e di jaywalking nga! hehehe.

kasalanan pala ng media. kung nakatawid kayo, e di sana nakalakad na kayo papuntang Pasay. :p

gari said...

it's becoming the habit of the police force just to arrest and arrest...kaya malamang ang terminal report nila ay arrested development ang title.

kapikon pero kakapikon talaga.

andrew17robin said...

THE current events in the Philippines are in themselves a reflection of complete chaos and disillusionment of everyone involved. Credibility is and has always been a question in the quality of government. And here's another blow to this credibility, an "attempted coup" that failed. What else is new in our political arena?
All these selfish attempts at a power grab by politicians and military officials with their own personal agendas must stop.
And why is Cory Aquino in the middle of all of this? She had her time and what did she do? She did nothing really, aside from surviving numerous coup attempts. How about with Fidel Ramos, who can't seem to figure out on whose side he is? His is political grandstanding at it's best.
To the opposition and the pros, please wake up and look at the bigger picture. The only ones who are benefiting from this madness are these communist radicals who are clinging to the glitter of hope that is somehow being realized in the Philippines. Communism died a long time ago, but they have a good grip on this very fragile democratic country.
I'm not saying that President Gloria Macapagal-Arroyo is the best bet, but who do you have right now to steer this ailing ship? This country is not beyond repair. But it does need a lot of work by all parties involved.
But two wrongs do not make a right. Arroyo must start a hands-on leadership process. She must start patching things up and fixing the problem areas. She must work with the military, to start with. She must start dialogues to hear the grievances of soldiers, government workers, and fix the problems right away.
Arroyo must show her dedication and work hard with the masses, who are the ones suffering from decades of unstable governments. In turn, she will get the support of her opponents, and hopefully calm things down. For her to restore the country's credibility, the effort must come from every citizen. We must ask ourselves what we can do for our country, and not what their country can do for them.
Many of us have learned to go on with our lives, ignoring what goes on in government or in politics. Making politics and government as irrelevant as possible enables us to concentrate on more productive endeavors instead of belly-aching and being obsessed about the situation. Besides, there’s something about ranting that turns people off. Like it or not, for the message to be effective, it has to be made attractive and palatable. You can’t always be preaching to the converted because it turns out to be so tiring, repetitive and a waste of time