January 4, 2005

Adik!!!

Hulaan niyo kung nasaan na naman ako nang mag-isa kagabi?





...kailangan yata tumira na ako sa Visayas Ave!!!

Hahaha!!! E nabalitaan ko kasi na si Gary Granada ang tutugtog sa Conspiracy. E matagal ko nang di napanood na magfull set si Mang Gary, lagi lang yung maramihang artists tapos tatlo hanggang limang kanta lang. Tapos madalas pa niyang nakakalimutan na ang mga lyrics niya't chords. Pero kinutuban ako na iba't maganda ang mangyayari ngayong gabi...

At tama nga!!! Balik na uli sa dati si Mang Gary. Ok na uli pagkanta niya at naaalala na niya kahit papaano ang marami sa kanta niya. Hahaha!!! At ok talagang panoorin ang kanyang palabas kasi nakakatawa.

Mas ok pa kasi may meeting ang mga may-ari ng Conspiracy bar, kaya nandun sa lugar sina Mike Villegas, Angelo Villegas, Bayang Barrios, Joey Ayala, Cynthia Alexander, atbp. Si Noel Cabangon nakantiyawan pang kumanta pagkatapos siyang "alayan" ng love song ni Mang Gary na ang title ay "Noel". At ang as usual na nakainom na si Cooky Chua ay nakikanta din at ang kulit kulit habang nakashowcase pa rin ang kanyang di nagbabagong magandang mukha. Hayayay...

Sana marami pa akong mga kaibigan na makapanood ng mga ganitong palabas. Oo nga, adik ako sa Conspiracy, pero kung ganito naman kasi kagagaling ang mga artists at songwriters, maganda naman ang dahilan ng aking addiction.

Next week, Wednesday naman ako pupunta. Noel Cabangon!!! Sana may maitabi akong pera. Bawasan muna siguro ang pagkain. Hahaha!!!

4 comments:

tannyboyastig said...

paeng grabe!sabi mo hindi ka pupunta ng conspiracy?hehe..hindi rin nakatiis!hehe..

Anonymous said...

oo nga sir kala ko po ba gabi n kaya di kana pupunta kahit parang gusto mo gumala..hehe EVAN

inah said...

akalain niyo un sir, kagabi lng pinag-uusapan nmin kayo kc nsbi k ung abt s conspiracy bar. wla lng, hnahanp nga nmin kayo nun eh...hehehe

ronald said...

baka naman gusto mong mang-imbita pag pupunta ka ng conspiracy? aba, e, di ka nagyayaya a! parang di ko ma-eenjoy. hay....