January 2, 2005

Libre ang Mangarap

(Ang post na ito ay medyo inspired ng bagong post ni isipkamote. Ang kaibahan nga lang, long-term mangarap ang kamote. Ako one year lang. Napapagalitan ako ng ibang tao kasi madalas ay sumusunod lang talaga ako kung saan ako dadalhin ng mga pangyayari.)

Ngayon ay ikalawang hatinggabi na ng bagong taong 2005. Kadalasan, pag umpisa ng taon, nagse-set tayo ng mga goals. Ang bagong taon kasi ay simbolo ng panibagong simula, panahon para makabawi't maiayos muli ang ating buhay. Kaya ngayon, makikiuso ako at magse-set ng mga goals na aking aabutin ngayong 2005.

Eto ang aking mga pinapangarap na ma-accomplish sa 2005. Siyempre, maliban pa ito sa mga wish natin na world peace, equal opportunities, equal rights, redistributive justice, etc. :D

1) Makapunta sa Japan at mabisita ang aking lalabs na si Ria. Eto ay mangyayari mid-April at magtatagal ako dun ng isang buwan mahigit. Gagamitin ko rin ang oras dun para makapagisip-isip at makapagsulat-sulat. Ibig sabihin nito, kailangang marenew ko ang passport ko ngayong January at makakuha naman ako ng Visa sa February. Kailangan ko rin sigurong masabihan na si Dean para makapaghanap na ng bagong magiging coordinator dahil tiyak na mapapabayaan ko ang trabaho. Pangit naman kapag OIC lang, parang nambibitin lang ako ng ibang tao.

2) Maiayos ang training ng FEU team na ipapadala sa ICFC at ACPACI competition next schoolyear para sa wakas ay makapasok na ang FEU sa Top 3 at makuha na ang respeto ng ibang schools. Kawawa naman ang college namin, lagi na lang minamaliit ng ibang tao kahit na marami-rami na ang achievements. Para sa kapakanan ng school at ng mga estudyante na rin, kailangan maging matunog ang pangalan ng FEU sa mga big-time na competition. Ibig sabihin nito, kailangang magsimula na ang training sa mid-January pa lang ngayong taon. Kailangan buo ko na ang team next week.

3) Masimulan na ang paglipat sa field ng sociology. Ang tagal ko nang gustong umalis sa field ng business at lumipat sa social sciences. Mas nandun talaga ang interes ko. Kailangang makapag-enroll ako sa MA Sociology program ng UP Diliman sa 1st Sem ng SY 2005-2006. Ibig sabihin, 2nd week ng January ay pupunta ako sa UP para mag-inquire (uli) kung paano pumasok sa program.

4) Matutong magsulat ng maayos na article. Medyo napa-praktis naman ako sa pagsusulat dito sa aking web site, pero medyo kalat pa ang aking pagsusulat. Wala pang direksyon at kulang sa sining. Hindi naman sa naghahangad ako na manalo ng award, pero at least ay maging coherent naman ang aking mga article at hindi lang yung "bahala na" style ng pagsusulat. Kailangan sigurong gawin yung mga exercise sa libro about Creative Non-Fiction. Sana ay may ma-publish akong article sa Youngblood ngayong taon. :D

5) Makatulong sa pagpapalawak ng awareness sa mga obra ng mga paborito kong alagad ng sining Pilipino. Ang daming magagaling na Pinoy artists na hindi naa-appreciate ng mga tao. Ang kanilang musika ay di napapakinggan, ang kanilang mga nasulat ay di nababasa, ang kanilang mga pelikula't dokumentaryo ay di napapanood. Kailangan makahanap ako ng paraan para kahit papaano'y maabot nila ang mas malaking audience para kumalat ang kanilang mensahe.

6) Makabalik sa mundo ng pagtugtog. Hay naku. Sinubukan ko ito noong nakaraang taon pero laging nabibitin. Lagi akong natatambakan ng trabaho sa opisina. Kailangan mabakante ko na talaga ang Linggo para kahit paano'y makakapagpraktis ako kasama ang Sangandaan. Sana makatugtog uli kami sa Likha Diwa regularly at sana ay makatugtog sa Conspiracy kahit dalawang beses lang ngayong taon. Hehehe.

7) Masimulan ang script sa matagal ko nang project na comic book. Ano ba ito? Apat na taon nang nasa isip ko ang isang kwento na gusto ko sanang maging komiks. Siguro sisimulan kong magsulat ng script pag nasa Japan na ako.

8) Makapagsulat ng dalawang makabuluhan at mapapakinabangang research. Hindi yung research na makakatulong lang sa pagpapayaman ng isang institution tulad ng FEU. Gusto ko yung may social issues na matatamaan, tapos magagamit sa policy making. Parang ala-Walden Bello type na research paper. Ano kaya magandang topic? Kailangan makapagsulat na ako ng proposal by March.

9) Makahanap na ng suitable na kumpanya, ahensiya, eskuwelahan o cause-oriented group na lilipatan ko pagkatapos ng stint ko sa FEU. Magreresearch na ako kung ano ang best available option na swak sa mga prinsipyo ko at sa mga gusto kong i-push na advocacy.

10) Makabuo ng isang online community para sa FEU students (ala Peyups, USTexchange, atenista, etc.) Marami nang internet savvy na mga estudyante ang FEU. Pero wala pa ring kwenta ang aming web site. Magbubuo ako ng isang online community na magiging tambayan ng mga Tamaraw sa internet. Project ko ito bandang October.

Ayan. Sampu lang muna. Maaaring magbago, maaaring madagdagan. Pero itong sampu ang basic. Sana matupad nga ang mga pangarap na ito.

5 comments:

tannyboyastig said...

ayos ang number 10! hihintayin ko yan!hehe..sana matupad lahat yan sir!ciao!

Anonymous said...

kung masulat mo na yung comic script, patingin naman para mainspire na rin akong tapusin yung script na nung CW180 days pa natin inaakalang matatapos, kahit first issue lang ng aking engrandeng 12-issue maxi series hehehe

Anonymous said...

si rox pala ito! hapi new year!

Anonymous said...

wala sa plano ang kasal?! kainis ;p

em's home said...

hi sir!
Pagnatuloy kayong pumunta ng japan sa'min na lang kayo bumili ng ticket hah... my travel agency po kasi ang ate ko and meron din silang visa assistant, for further details po visit balygemtours.blogspot.com or call 6681541 in their opis look for carly.
hope to hear from you sir... I assure you for discounts...

--melren--