January 22, 2006

Masaya

Muli ay nagdulot na naman ng karangalan si Manny Pacquiao sa Pilipinas. Tiyak, marami nang magsusulat tungkol sa kanya sa mga blog kaya idadagdag ko na lang na talagang napakasaya ng araw na ito para sa ating bansa. He deserves a hero's welcome.

Sana lang, sa gitna ng lahat ng kasiyahan, wag natin itong gawing dahilan para wag nang isipin ang mga seryosong bagay na kinakaharap natin ngayon. Ang panalo ni Pacquiao at ang mga problema ng bansa ay lubhang magkaibang bagay.

Most irritating moment: Gusto ko talagang maiyak sa pagkanta ng national anthem. Pero sino ba kasing nagsabi na yung kungsinuman yung kumanta na yun na kamag-anak ng isang politiko ang dapat kumanta sa harap ng international audience? Grrrr!!! Wala sa tono, bumirit pa, ano ba yan?!!!

Funniest moment: "Hello...Hello, Manny?" Nagtawanan talaga kaming magkakasama nung narinig namin iyon!!! Confirmed!!!

1 comment:

lisa said...

kuya paeng! ikaw pala 'to.

natawa rin ako doon sa 'hello manny' eksena ni GMA. ano kaya ang masasai nina jaime sarthou at iba pang voice/audio analaysts? heheh.