September 4, 2005

Where's the outrage?

Habang nire-review ko ang mga mabibilis na pangyayari ng nakaraang linggo, hindi ko maiwasang itanong, "Where's the outrage?" Dahil sa garapalan ang ginawang pagkitil sa buhay ng amended impeachment complaint sa (in)justice committee, hindi lang minsan na umasa ako na magkakaroon ng malaking public display ng galit sa railroading na ginanap. Pero maliban sa mangilan-ngilang rally na pinangunahan ng mga militanteng grupo, hindi ito nag-materialize.

Pagod na kaya ang mga tao? Talaga kayang marami nang apathetic sa ating lipunan? O baka naman mangilan-ngilan lang talaga ang naniniwala na malaking pagkakamali ang nangyari sa (in)justice committee? May short memory ba talaga ang mga Pinoy? Senyales ba ito na talagang mahina ang oposisyon na kahit sa isang "black and white" na issue ay hindi nila kayang kumuha ng suporta?

Habang naglalaro ang mga tanong na ito sa aking isipan, naitanong ko sa aking sarili, ako ba mismo ay mayroon nang ginawa tungkol sa issue na ito? Naging aktibo man ako rito sa aking tambayan, aaminin ko na hindi talaga ako naging active sa labas nito. Hindi ko man lang ma-discuss ang Gloriagate sa aking mga klase at maging sa aking mga kaibigan dahil sa aking impression na parang hindi naman sila interesado. Ngunit kung sinimulan kong buksan ang issue na ito sa kanila, siguro ang ilan sa kanila ay naging interesado na at naging involved sa discussion ng nasabing issue.

Kaya siguro bago ko pa man itanong ang "Where's the outrage?" dapat siguro ay itanong ko, where is my outrage? Panahon na siguro para maging mas aktibo ako sa pag-express nito nang wala sa likod ng aking computer.

1 comment:

Anonymous said...

know why...... because they are such arrogant people...

how would you think they could get the sympathy they needed., on a trial by public, specially on the line up of the pro's, beside the fact that there are too many agenda, it just raises an eyebrow...