September 19, 2005

Long distance

Kanina ay muling bumalik ang aking lalabs na si Ria sa Japan. Sa mga nakapansin na hindi ako nakakapagpost rito sa aking tambayan, nilubos-lubos ko lang ang huling linggo bago siya umalis kaya di muna ako dumaan dito. Matagal na kasi bago siya bumalik, sa 2007 pa. Tatapusin pa niya ang kanyang master's degree.

May mga nagtatanong sa akin, bakit ko raw pinapayagan ang isang long-distance relationship? Pangatlong punta na ni Ria sa Japan, at laging extended period of time yun na hindi bababa sa isang taon. Buti raw kinakaya namin.

Ang masasabi ko lang ay ang quote for the day ng aking mahal na mga estudyante noong pangalawang alis ni lalabs:

"WHAT LOVE UNITES, EVEN DISTANCE CANNOT DIVIDE"

At tulad ng sinabi ko rin noon, AMEN to that.

5 comments:

Anonymous said...

Ayei!
Sandali lang yan. Di nyo mamamalayan, andyan na uli sya...- tetma

ergoe said...

Kaya niyo yaaaaaaaan!

Naniniwala akong pag-ibig lamang ang pag-ibig kung wala itong nalalamang konsepto ng layo at ng panahon. Ang alam lamang ng pag-ibig ay ang sarili nito.

(Naks!)

Siyempre mas masaya lang na malapit kayo (geographically) sa isa't isa. Pero hindi naman kayo mukhang masyadong maaapektuhan nung sitwasyon niyo. Astig niyo nga e!

Longlib da Paeng-Ria labtim! Haha!

Anonymous said...

napa way lng sa lugar mo alam mo malungkot sa 1st yan lagi mo sya icip? pero hnde mo alam anjan na pla sya

Anonymous said...

wala sa distance yan... kung tunay at tapat kayo sa isa't isa, walang makakapigil sa inyong pagmamahalan...

sa 2007, makakarinig na kami ng wedding bells!!! naks! =P

--neece

Anonymous said...

wow naman , , i agree to that. .