December 25, 2003

Jingam Bells!!!

Hephep, una muna, Merry X-mas everybody!!! Pero sino bang binabati ko, e wala namang nagbabasa nitong blog ko? :p

I had an enjoyable trip to Bulacan this afternoon, but I still miss the old "rural" lifestyle we used to enjoy when we take our once-a-year trek to the province. Saan na kaya yung sariwang hangin? Kanina, wala na kong nalanghap kundi ang usok na galing sa mga tricycle at jeepney. Para na rin akong nasa Maynila. Mas masaya pa sa Quezon City...:p

Balang araw, titira rin ako sa Diliman. :D

Txt Kta Kung Xmas

After three weeks of getting used to being electronically disconnected, I finally returned to Planet SMS when I finally received my X-mas gift from my Nanay. And yes (tentenenen!), it's a spanking new celfone - a Nokia model 1100 na ang sarap pindutin dahil ang lambot lambot. I still miss my old user-friendly 3310 unit, pero ok na rin ito, di gaanong komplikado gamitin. And guess what, my flashlight pa!!! LUFEEET!!!

Masaya nung natanggap ko yung celfone kagabi, pero ironically, ito rin ang nagpalungkot sa aking X-mas eve. Kasi pagbukas ko ng celfone, wala akong natanggap na text. Siyempre naman, wala pang nakakaalam ng bago kong number (+639212087481), pero kakaiba pa rin yung pakiramdam na Paskong-pasko, nakatingin ako sa isang bukas na celfone at walang pumapasok na pagbati para sa akin. Walang "Merry X-mas!!!" at "I love you!!!" Huhuhu...

Wala lang. Bad trip lang ako dahil may hinintay akong text message na hindi lang dumating. Hayayayay...

Buti na lang masaya nung paggising ko nung umaga. Yey!

Grafix 'Yon

Nung isang araw, napadaan ako sa Comic Quest, ang pinakaayaw kong tindahan ng komiks sa Pilipinas. Overpriced, walang plastic at backing boards, pagpasok ko pa lang ng isang CQ outlet ay ginugusto ko nang lumabas. Pero kung meron mang isang bagay na trip ko sa CQ ay yung pagdala nila ng comic books made by Philippine creators. At nadatnan ko nga nung isang araw yung Trade Paperbacks ng Zsa-Zsa Zaturnnah at SIGLO: Freedom.

Matagal ko nang gustong bilhin yung Zsa-Zsa Zaturnnah. For the uninitiated, and Zsa-Zsa ay isang mala-Darna na adventure, pero ang catch ay isang bakla ang may leading role dito. Ito ay sinulat at ginuhit ni Carlo Vergara, na pinatunayan na meron rin pala siyang sense of humor (ang serious kasi ng mga gawa niya dati!).

Kung matatandaan ng ilan sa inyo, may nilabas na bagong Darna komiks this year. Pero, pasensya na lang sa mga nag-relaunch, hindi yata Darna ang ni-relaunch ninyo. Wonder Woman yata ang binabasa niyo nung ginawa niyo yun! On the other hand, yung Zsa-Zsa naman ay na-capture ang spirit ng Darna while creating its own identity as well. To borrow from the gay lingua franca, PANALO talaga si Zsa-Zsa. WINNER ka Carlo!!! Tumbling tayo!!!

Intermission muna: Tutal nasa topic na tayo ng Darna, naalala ko na merong Mars Ravelo tribute sa Vargas museum. Ok sana, pero kulang. Naghahanap ako ng mga exhibits showing yung original na Captain Barbell at LastikMan, pero wala. Mas malaki pa yung space na inoccupy nung exhibit showing the disappointing Darna 2003 relaunch. Ang highlight ng tribute para sa akin ay yung mga picture ni Mars with the different actors and actresses who played roles sa mga movie na ginawa based on his creations. Ang gaganda pala ng mga artista nung araw. :)

Mabalik tayo: Tungkol naman sa isa ko pang binili na yung SIGLO: Freedom. This book is a collection of short stories in komiks form discussing differnt concepts of "freedom" at different points in Philippine history. Para siyang all-star jam ng iba't ibang magagaling na Pinoy komikeros. Big-time yung mga creators involved, with Gerry Alanguilan, Arnold Arre, Marco Dimaano, etc.

OK yung production value at maganda rin yung mga kwento. Dalawa yung talagang nagustuhan ko - JOLO 1913 by Dean Francis Alfar and Andrew Drilon, at yung NEGROS OCCIDENTAL 1978 by Honoel Ibardolaza. Kung may problema man yung libro, masyado lang siyang seryoso. It's trying too hard to prove its point na hindi lang pambata ang komiks. Guys, we get the picture. Lighten up...:)

Napansin ko rin na ginamit ng SIGLO yung term na "grafiction" to describe itself. Di ko alam kung sila lang yung nag-coin ng term na ito, pero natawa ako nung nabasa ko yung term. Asteeeggg. Napaka-high falluting. Napaka-literary ng dating. Hayayayay, masaya na sana basahin yung SIGLO, pero dahil it's trying too hard to prove its legitimacy as a form of literature, medyo turn-off tuloy. Komiks ito mga kapatid. Wag kalimutan!!!

Grafiction. Grafix yon? Japeks yon!!! Yeah!!!

Maligayang Pasko! :)

No comments: