April 17, 2006

Bow

Makalipas ang mahigit dalawang taon, panahon na para isara ko ang aking tambayan. Minsan talaga dumarating yung panahon na kinakailangan ko nang mag-iba ng "settings" lalo na't nag-iiba na rin ang direksyon ng aking buhay.

Salamat sa mga nakitambay, nakipagkuwentuhan at nakipagkulitan. Salamat lalo sa mga estudyante kong naging primary audience rito. Good luck sa bagong yugto sa inyong buhay ngayong aalis na kayo sa ating mahal na eskuwelahan.

Hindi naman ako mawawala online. Patuloy pa rin akong sasaksi sa kasaysayan. Gamit nga lang siguro ang panibagong mga mata, panibagong pananaw, at panibagong boses.

Tapos na po. BOW.



Huling Calvin and Hobbes

4 comments:

supersherwin said...

Bat isasara mo na ang Tambayan? Mamimiss ka namin..

Anonymous said...

paeng,

maraming salamat
sa paggawa ng tambayan
hanggang sa muling pagtalisod
sa iyong bagong tahanan na may
bagong lente't teleskopyong tatanawan.

gari

tsop said...

Yehey! Ikinatutuwa ko ang pagkasara nito. Ibig lang sabihin magbubukas si Paeng ng ibang branch. Pa-franchise ha! ;)

Sidney said...

Is this really the END of Paeng?
We will miss you !