December 2, 2005

Walang pahinga

Kapag Lunes-Huwebes, matindi ang pagod na aking nararamdaman. 7.5 hours kasi ang turo ko sa mga araw na ito, tapos mayroon pang span na 4.5 hours na dirediretso. Tatlong preparation pa. Kaya pag natapos na ang aking araw pagdating nang alas-sais nang gabi, ako ay pagod na pagod. Sa aking literal na description nga, nanginginig na ang kalamnan.

Kaya kagabi, napagdesisyunan kong matulog naman nang maaga. Para makapagpahinga naman ako. Mas mahirap pa kasi 9 am ang pasok ko sa susunod na araw, kaya dapat ay nakapag-recharge na ako umaga pa lang.

Pero walanghiya. Paggising ko kanina, mas matinding pagod pa ang pakiramdam ko. Bakit?

Nanaginip ba naman akong nagtuturo ako!!!

Ano ba yan? Walang pahinga. Haaaaayyyyy...

2 comments:

| R3DH3NA | said...

hi.. haha la alng pO. ng hahanap lng ng blOgger user.^_^.. hehehe,,kaw pO ba my gawa ng bloG mUh.?.. dami ng nag vsit di2 ha..hehe

http://athenapinkslipss.blogspot.cOm

Anonymous said...

Blogs are so informative where we get lots of information on any topic. Nice job keep it up!!
_____________________________

MBA Dissertation