Aalis ako papuntang Pagsanjan, Laguna bukas nang madaling araw para mag-serve na resource person sa leadership seminar ng mga student organization officers sa aming Institute. Sa Lunes pa naman yung parte ko - team-building exercises - kahit na medyo nagtataka ako kung bakit team-building ang huling activity ng leadership seminar. Sa Lunes ng gabi pa kami babalik kaya dalawang araw (o kaya isa't kalahating araw) muna ako mawawala dito sa tambayan.
Ibang klase rin ang timing ng leadership seminar namin. Eksakto kung kelan nagkakaroon ng krisis sa liderato ng bansa. Sa field rin ng business, na relevant sa amin kasi kami ay isang business school, ang daming mga krisis sa pamumuno, tulad na lang ng nangyayari sa Equitable-PCI Bank. Magiging interesting ang seminar na ito kasi ang daming concrete examples ng bad leadership traits na hindi dapat tularan ng kabataan.
Ang malungkot nga lang, ang hirap magbigay ng kasalukuyang example ng good leader sa Pilipinas na puwede nilang tingalain. At mas malungkot pa na natiyempo na ang tinaguriang pag-asa ng kabataang Pilipino sa loob ng kung ilang taon ay kapapanaw pa lamang. Sino na ang gagabay sa ating bansa?
Kungsabagay, sabi nga sa isang Italian quotation, "Hope is the last thing ever lost." Dapat siguro, itago ko muna ang aking cynicism at huwag agad kitilin ang kakaunting liwanag ng pag-asang naaaninag pa ng aming mga student leaders.
No comments:
Post a Comment