June 3, 2009

HR 1109

Medyo mahirap i-explain ang ConAss resolution ngayon na pinasa ng Congress. Bakit? Kasi BLANKET RESOLUTION siya, meaning walang inspecify dun sa resolution na ipinasa kung ano ang ipinapanukalang papalitan sa Constitution. At dahil dito, simple majority lang ang kinailangan para maipasa ang House Resolution 1109.

Ano lang ang laman ng HR 1109? Ang laman ng HR 1109 ay ang pagconvene ng Congress as a Constituent Assembly with the House of Representatives (the Lower House) and the Senate (the Upper House) voting jointly, instead of separately. Ibig sabihin, ayon sa panukalang ito, hindi hiwalay ang boto ng Senado pag may-iaapprove na amendment at ihahalo ang bilang nila sa boto ng House of Representatives na kung tama pagkaalala ko ay mga 300 plus ang members. Ibig sabihin nito, kahit bumoto ang buong Senado ng laban sa isang proposed amendment, walang epekto yun kung karamihan ng nasa House of Representatives ay kayang magproduce ng enough votes.

Ano ba ang Constituent Assembly? Sa Con Ass, ang magpopropose at magdedeliberasyon ng amendments ay ang mga members ng Congress mismo. Hindi isang separate body na iboboto ng mga tao (yun ang Constitutional Convention).

Ano ang implication nito? Ang implication nito, dahil ang Congress ay magiging ConAss, maraming mga nakapending na bills ang maiisantabi dahil kakainin ng oras sa ConAss ang oras na dapat ay gugugulin ng mga nasa Congress sa kanilang normal na trabaho. May mga nagsasabi rin na may inherent conflict of interest sa ConAss na form lalo na pagdating sa term limits kasi yung mag members ng Congress ang mismong makikinabang kung sakaling ia-amend ito.

Para sa akin, ang pinakanakakatakot na aspeto pa rin ng HR 1109 ay ang kawalan ng specifics kung ano ang ia-amend. Kung isa kang matinong tao, boboto ka ba sa isang proposal na amiyendahan ang Constitution na hindi man lang nakasaad kung ano ang aamiyendahan at kung bakit kailangang amiyendahan?

Bakit kapag ConAss kayang maging present ng maraming members ng Congress na madalas absetn?

Bakit kapag ConAss pinaglalamayan hanggang halos maghatinggabi ang session? Magkano kaya ang nagastos sa kuryente para sa aircon, ilaw at speakers, at pati na rin sa maning kinakain ng mga Congressman na batong bato at nakahanda na lang bumoto kahit ano pa ang marinig nilang mga opinyon ng nago-oppose sa resolution?

3 comments:

Shioan said...

parang pumirma sila ng kontrata na hindi man lamang binasa kung ano ang nakasulat.

...o kaya baka kasi iba rin ang pinabasa sa kanila bago sila pumirma. kung ano man yon, aba'y dapat nating malaman.

kaya siguro umabot ng hating-gabi para majority ay inaantok na at gusto ng umuwi. kaya yun, nag-yes na lang sila para matapos na ung usapan at makauwi na rin sa wakas!

seriously though, I thank you for this entry and putting the details in layman's terms.

MP said...

Hindi naman talaga isasaad sa HR 1109 yung mga specifics ng constitutional change.

Nasabi mo nga, resolusyon lamang ito na nagtatawag ng isang Constitutional Assembly.

Sa constitutional assembly mangyayare yung pag ppropose ng mga pagbabago sa consitution hindi dito sa HR 1109.

At saka iraratify pa din naman ng mga tao yung ipopropose na amendments e. Hindi naman basta inaprove ng 3/4 ng assembly yung ipinopropose mag ttake effect agad. Nasa sambayan pa din naman yung huling sabi.

Para sakin, mas malaking issue ay iyong sinabi mong maiiwanan yung mga maraming bills na pwedeng makatulong sa mga tao at isa pa ay ang budget na kailangang ipatupad kung sakaling babaguhin ang mga probisyon sa constitution. Lalung lalo na yung budget para sa pag ratify.

Paeng said...

^ Hello, MP. Yes, it is a call to convene the ConAss to discuss proposals to amend the Constitution. Pero naniniwala ako na dapat may mga proposals muna bago magtawag ng Assembly kasi paano kung pagkatapos mag-convene e wala naman proposal na pag-uusapan? Before calling for an assembly to discuss proposals to amend the Constitution, they must lay the predicate that there are proposals tro discuss in the first place.