June 17, 2009

First day of school (na naman)

Sa Sabado pa talaga ang first day of school namin kaya lang nagpunta na ako sa FEU kanina. May kukunin kasi akong mga "epektos" (hehehe) na gagamitin ko sa torture ng mga estudyante ko. Mabuti at nakuha ko naman. Naaliw rin ako nang harangin ako sa gate para i-thermal scanner. Nung pumasa ako sa kanilang pagsusuri, tinatakan ako ng passed sa aking braso, para akong karne na ipinasa sa quality control.

Ewan ko ba't pitong taon na akong nagtuturo e kinakabahan pa rin ako sa unang araw ng pasok. Sabi ng iba, hindi daw normal yun. Pero sa tingin ko, mas nakakatakot nga kung mawawala na ang kaba sa isang teacher. Gusto kong maniwala na yung kaba ko ay dahil concerned pa rin ako kung magiging epektibo ako sa klasrum o hindi. At least nandun pa rin yung sinasabi nilang "puso" sa pagtuturo.

Isang review subject ang hawak ko ngayon. Parang napapalapit ang aking "culpability" sa pagpasa o pagbagsak ng aking mga estudyante sa board exam. Hahaha!!! Sabi, dapat daw turuan ko ang mga estudyante ko ng tamang exam preparation techniques. Paano kaya yun e nung nagreview ako para sa board exam ko, nanonood pa ako ng impeachment at nakirally pa sa EDSA?

4 comments:

number cruncher said...

Ah, the board review memories... Di nga lang ako naka-rally, pero gabi-gabi ko rin pinapanood yung impeachment... Hehehe!

As for the board review tips, if all else fails, answer "C"! kaya ako nakapasa e! Hehehe!

I think your anxiety towards each first day of school is a great thing; it shows that you still look forward to the excitement that a new school year would bring. I think yan yung maganda pag nagtuturo, parang laging may bagong mangyayari, especially learning from students.

Kaso, you would have to balance your teaching with your, um, future plans... Hehehe! Good luck paeng! :D

Paeng said...

Complementary naman ang aking teaching at future plans kasi mas maraming estudyante, mas malaki ang network. Hahaha

Anonymous said...

s'paeng, bakit ka kabado? hmmmm., wala lang., magkita tau sa saturday!till wat time ka ba?

Anonymous said...

okay lang pong kabahan... at least po eh may nagsasabi sa inyo na dapat kang may dalhing bago sa lamesa...

sayang, kelan po kaya namin kayo magiging prof? nakukuwento kayo sa akin ni ganda (madelle)...

godbless sa pagtuturo sa compre! =D

-4th yr bsa